Posts

Showing posts from March, 2020

Sigaw ng Manggagawa sa Baluktot na Batas: Ang Aklasan ni Amado V. Hernandez

Crispino, Zaira M. Gawain Bilang (1) Panimula Daigdig ng Tula                     Ang panitikan ay napakahalagang salik sa isang bansa. Dahil sa panitikan, lubos nating nakikilala ang ating sarili bilang isang Pilipino at ang talinong taglay ng ating lahing pinagmulan. Dahil sa panitikan, higit nating napapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan lalo na ang pagpapakasakit ng ating mga ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon.           Bahagi rin ng panitikan ang panulaan. Ito ang mahalagang sangay ng panitikan at sa bahaging ito nakapaloob ang tula. Taglay ng tula ang lahat ng bagay na singkahulugan ng kagandahan at katotohanan. Ayon kay John Ruskin:             Ang tula ay tahasang pagpapahiwatig sa tulong ng guniguni at matibay na saligan para sa marangal na damdamin. Ibig ipakahulugan sa marangal na damdamin ay ang apat na pangunahing nagdudulot ng simbuyo ng kalooban na gaya ng pag-ibig, paghanga